Hot Intruder: Micah, The Bossy Intruder

price
PHP 56.00
Author(s)
Sofia

Hot Intruder: Micah, The Bossy Intruder


“I will show you what true love means. Mamahalin kita nang buong-buo. Walang kahati. Walang karibal.”

Dahil nasunugan ng bahay ay nagmagandang-loob ang boss ni Alondra na patuluyin siya sa bakanteng condo unit nito. Isang taon na raw kasing walang nakatira doon. 
Nang minsang umuwi galing sa trabaho, nakarinig si Alondra ng lagaslas ng shower at boses ng isang lalaki sa kabilang kuwarto. Kaya bitbit ang kanyang antique na krus, nagpunta siya sa kabilang kuwarto para mag-alay ng dasal sa kaluluwang hindi matahimik. 
Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo. “Miss, what the hell are you doing?” Dumadagundong ang boses ng lalaking multo. 
Bigla niyang idinilat ang mga mata at isang guwapo at matipunong lalaki ang nakatayo sa pinto ng shower room. Hubad ang makisig at basa nitong katawan. At walang ibang tumatakip sa katawan nito kundi isang puting tuwalya lang.
Nalaglag ang panga ni Alondra at nanginig ang mga tuhod. Ito na yata ang pinakamakisig at pinakaguwapong lalaki na nakita niya. 
Kung ganito kaguwapo ang multo, ayaw yata niya itong i-exorcise.
 

social media

Categories