LRS00001 - Sangmi, The Queen Fairy

price
PHP 45.00
Author(s)
Nikki Del Rosario

LRS00001 - Sangmi, The Queen Fairy

“Wala akong pakialam kung hindi mo na ako pakawalan. I will be a willing victim kung ikaw lang naman ang bibihag sa akin.”

 

Man hater. Paasa. Pabebe. Pa-fall. Ilan lang iyan sa mga bansag sa half Korean na si Sangmi Kwon—ang presidente ng Hendrix International Dance o HID Troupe ng kanilang university at leader din ng all-girl group na Tinkerbell, na kung tawagin ang mga member ay “fairy.” Pero wala siyang pakialam at hindi pinapansin ang mga bansag sa kanya. Basta nasa tabi niya ang mga kaibigan, kontento na siya sa buhay.

Hanggang sa dumating ang makulit pero guwapong si Moose. Hindi siya tinigilan ng lalaki at hayagan pang sinabi ang pagkagusto raw sa kanya. Wala ring naging epekto kay Moose ang lahat ng negatibong pag-uugaling ipinapakita niya rito. Hanggang sa ma-realize na lang ni Sangmi na nagpapatangay na sa agos at unti-unti nang pinapapasok si Moose sa buhay niya… at sa kanyang puso.

Handa na si Sangmi na maging masaya sa piling ng lalaking natutunan nang mahalin. Pero pakitang-tao lang pala at hindi totoo ang ipinakita ni Moose. Ginawa lang pala iyon ng lalaki para paghigantihan siya.

Ang sakit naman, bes. Nawala sa akin ang first love ko nang gano’n lang.

 

social media

Categories