MLB00223 - My Lovely Bride - Cath & Doug

price
PHP 50.00
Author(s)
2017-07-14 11:03:14

MLB00223 - My Lovely Bride - Cath & Doug

“I think it’s too late para sa ‘no physical intimacy involved’ policy na `yan.”

 



Magbe-best friends ang parents nina Catherine at Douglas. Magkatabi pa ang mga bahay nila. Hindi pa man isinisilang sa mundo ay ipinagkasundo na ang dalawa sa isa’t isa na balang-araw ay magiging mag-asawa para maging ganap na silang iisang pamilya binded by law.
But Cath and Doug were like… cats and dogs. They hated each other, nagbabangayan at nag-aasaran. Kaya naman sumuko na ang mga magulang nila na i-matchmake sila sa isa’t isa.
Hanggang isang umaga, nagising na lang ang dalawa na magkatabi sa iisang kama. Pareho nilang hindi maalala ang nangyari nang nagdaang gabing may namagitan sa kanila dahil pareho silang nalasing sa isang party. They both decided to forget about what happened and consider that night as a nightmare. Pero ang “nightmare” na iyon ay hindi pala nagtatapos doon. Dahil after three weeks ay nalaman na lang ni Catherine na may laman na ang sinapupunan niya at si Douglas ang ama ng ipinagbubuntis niya!
Puwersahan silang ipinakasal sa isa’t isa ng mga magulang nila para makaiwas sa kahihiyan. Pero kahit married couple na ay patuloy ang pagbabangayan ng dalawa. Until one day, na-realize na lang ni Catherine na may iba na siyang nararamdaman para sa ama ng ipinagbubuntis niya.
Can someone love and hate another person at the same time?

social media

Categories