MLMH 388: Ark

price
PHP 45.00
Author(s)
Dawn Igloria

MLMH 388: Ark

“`Yong pagmamahal ko sa `yo, hindi magigiba at hindi pakakabog.”

 

Nang unang makita ni Ark ang misteryosang si Nollet, sinabi niya sa sarili na nahanap na niya ang kanyang “The One.” Pero magkaiba pala sila ng paniniwala. Para kay Nollet, six feet under the ground na ang puso nito—kasamang nalibing sa nakaraan. Sobra-sobra kasing pagmamahal ang ibinigay ni Nollet sa lalaking sumira sa ideals ng babae para sa pag-ibig.

Ayaw sumuko ni Ark, kahit pa sinasabi ni Nollet na gabutil man ng buhangin ay wala siyang pag-asa na mahalin nito.

Imposibleng nga yata na mahalin siya ni Nollet. Pero malay ba niya na paminsan-minsan, may dumarating ding suwerte sa isang makulit na manliligaw na nagpapanggap na superhero. Dahil isang beses na tinulungan niya si Nollet mula sa isang eskandalosang matrona, dinala siya nito sa kuwarto at isa-isang hinubad ang damit, niyakap pa siya at hinalikan. Hindi malaman ni Ark ang gagawin sa babaeng punong-puno ng angst sa buhay…

social media

Categories