PHR 6117 Skinny Love

price
PHP 42.00
Author(s)
2016-11-23 13:28:39

PHR 6117 Skinny Love

“She would probably not look for another man to love. She was sure of that.”

 

“Skinny love is when two people love each other, but are too shy to admit it, yet they show it anyway.” Pero hindi sigurado si Mikai kung skinny love nga bang matatawag ang namamagitan sa kanila ni Kaizer—ang kanyang first love at isa sa best friends ng kuya niya. At dahil takot siyang aminin ang totoong nararamdaman, itinago niya sa isang blog na pinamagatang Letters for Kryptonite ang pagmamahal niya kay Kaizer. Isa pa, kaibigan at kapatid lang ang turing nito sa kanya. Ang problema pa, dahil isang anonymous blogger si Mikai, hina-hunting siya ng isang sikat na magazine show para interview-hin! Pero wala siyang balak ipaalam sa buong mundo kung sino talaga siya at kung para kanino ang mga isinusulat niya.

Meanwhile, noon naman nagsimulang magpakita ng sweet gestures si Kaizer. Nagsimulang mabuhay ang pag-asa sa dibdib ni Mikai na baka hinihintay lang siya nito. Na baka na-realize na ng lalaki na siya ang babaeng dapat nitong mahalin.

Pero sa kalagitnaan ng pagbubunyi ni Mikai sa kilig moments with Kaizer, umepal naman ang ultimate karibal niya. Akalain ba naman niyang inangkin ni Riri ang blog at sinabing ito ang gumawa niyon para sa binata?! At ang mas masaklap, pinaniwalaan ni Kaizer ang babae!

Buburahin na lang ba ni Mikai ang blog kasama ang nararamdaman para sa kanyang first love?

social media

Categories