PHR06243 - Len's Love

price
PHP 85.00
Author(s)
2017-07-11 11:01:48

PHR06243 - Len's Love

“Please love me… even when things get rough.”



Valentine’s Day, nakatanggap ng special message si Lenlen mula sa isang college classmate na gaya niya ay dumaan din sa masakit na pagsubok. Inspiring ang message. Hinahamon din ang tapang niya na mag-confess ng feelings sa lalaking ilang taon na niyang secret love. 
Inipon ni Lenlen ang tapang niya. Medyo ginalingan pa nga niya ang pagbibigay ng red heart tag kay JC Alcazar, ang ‘perfect man’ na kamukha ni Ian Veneracion. Lalaking puwede niyang mahalin secretly lang kasi imposibleng ibalik nito ang parehong feelings. Nag-take ng chance si Lenlen.
Magkaka-heart attack na siya sa kaba sa pagbabasa ni JC sa ‘I love you’ niya sa red heart card. Parang hindi pa rin kumukurap si JC. At nang sa wakas ay kumilos ito, nag-utos lang at iniwan na siya.
Basag agad ang puso ni Lenlen. At wala siyang choice kundi pulutin ang broken pieces ng puso na bloody na. Pero may twist pala ang story nila. Bumalik si JC dala ang plastic red rose, tinitigan siya nang intense bago dahan-dahang ngumiti.
“So… Merry Christmas, Len…” sabi nito. ‘Merry Christmas’ dahil pareho silang may masakit na alaala sa Valentine’s Day. Pareho silang nagpipilit kalimutan ang isang masakit na aksidente.
Sa ‘Merry Christmas’ at sa red plastic rose kaya magsisimula ang forever nila? O ang mga susunod na araw ay dadagdag lang sa masasakit na alaala?

social media

Categories