PHR06251 - One Day, Someday

price
PHP 119.00
Author(s)
2017-07-13 11:02:46

PHR06251 - One Day, Someday


One day, `pag hindi na ikaw ang nasa puso ko, babalikan ko sa alaala ang parteng ito—na pakiramdam ko, mahal mo na rin ako…
 

 


Minahal ko ang pamilya Sandoval. Hindi lang nila kasi ako basta kinupkop mula nang maulila, minahal din nila akong parang isang tunay na kapamilya. Naging parang tunay kong mga magulang sina Ninong Manny at Ninang Cora, at kapatid na ang turing sa akin ni Ate Claud… at ni Riel…
Pero hindi pagtinging-kapatid ang turing ko kay Riel. Isang araw kasi, na-realize kong gusto ko siyang maging boyfriend. Pero mananatili na lang siguro akong hoping…
Lalo na nang dumating sa buhay niya si Eunice—napakaganda at galing sa mayaman at maimpluwensiyang pamilya. Ano ba naman ang laban ko roon?
“I’m in love with her, Jeri.” 
Para akong namatay pagkarinig sa mga salitang iyon mula sa bibig ni Riel.
I tried my best to forget my feelings for Riel. For so many years, nagtiis akong masaksihan ang magandang relationship nila ni Eunice. 
Pero isang araw, namalayan ko na lang na inaangkin ako ni Riel. Isang magandang panaginip lang ba iyon? Pero ano’t nanggagalaiti si Ninang Cora nang matuklasan ang namagitan sa amin ni Riel?
“I’ll marry Jeri, Mommy.”
What?! Nananaginip pa rin ba ako nang sabihin iyon ni Riel? At kung totoo man, susunggaban ko ba ang pagkakataong maging akin na siya kahit alam kong may babae akong masasagasaan na totoo niyang minamahal?
 

social media

Categories