PHR06258 - The Accidental Couple

price
PHP 42.00
Author(s)
2017-07-20 14:11:33

PHR06258 - The Accidental Couple


“Parang mas mahirap na yatang magpanggap na hindi kita mahal?”



Julia was a perfect example of a wonder woman. She could juggle work and family. Bukod sa pagtatrabaho bilang waitress sa gabi, may dalawa pa siyang trabaho sa umaga. Isa rin siyang ulirang ate sa nag-iisang kapatid. Pero mukhang sinusubukan talaga ang tatag ni Julia nang magkaroon siya ng atraso kay Ashton Ricafort. Napilitan tuloy siyang magtrabaho bilang personal maid nito.

At lalong nadagdagan ang pasanin ni Julia sa buhay nang ipakilala siya ni Ashton bilang girlfriend sa mama nito. Kahit abot-langit ang disgusto ng mama nito sa kanya ay wala naman siyang choice kundi magpatangay na lang sa palabas nila ng lalaki. At ang traidor niyang puso, unti-unti nang bumibigay sa sweetness ng lalaki habang nagpapanggap sila.

Malinaw naman ang usapan nila ni Ashton na palabas lang ang lahat. Pero bakit habang tumatagal, parang mas nagiging natural ang pagiging sweet nito sa kanya? Even his kisses felt real.

Sana’y hindi lang ilusyon ang lahat.

Dahil oras na matapos na ang kanilang pagpapanggap, paano pa siya makakabalik sa dating buhay kung inokupa na ni Ashton ang puso’t isip niya?
 

social media

Categories