PHR06260 - My Knight In (Shining Armor) A Foil

price
PHP 42.00
Author(s)
2017-07-27 09:54:13

PHR06260 - My Knight In (Shining Armor) A Foil


“You’re my knight in a piece of foil—maraming flaws, maraming pagkakamali. Pero… kahit sa lumpia wrapper ka pa nakabalot, ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin.”

 



Luna Jeanne was the vice president of their crumbling school organization. Hindi bet ng mga schoolmate nila ang mga comics na ginagawa nila kahit pa nakaka-wow ang mga artwork ng kanilang mga org member. Na-realize niya na ang story line ang problema dahil wala silang magaling na writer.

Bilang vice president, responsibility ni Luna Jeanne na i-save ang org nila kaya nag-resort siya sa pamba-blackmail kay Kley. Super crush niya ang lalaki at sa kakasunod dito, aksidenteng nalaman niya ang sekreto nito. Para manahimik, sinabi ni Kley na gagawin daw nito ang kahit anong hilingin niya. So she asked him to be their organization’s ghost writer.

Why not? Contributor sa school publication si Kley kaya alam ni Luna Jeanne na magaling itong writer. Wala na siyang pakialam kahit magta-traidor ito sa publication na laging inaapi ang organization nila.

Ang major concern niya ay ang feelings para kay Kley na hindi pa yata siya napapatawad dahil sa pamba-blackmail niya.

All is fair in love and war naman, `di ba?
 

social media

Categories