PHR06266 - Out Of The Deal

price
PHP 42.00
Author(s)
2017-08-10 11:09:00

PHR06266 - Out Of The Deal


She wanted to feel Gray’s kisses again. She wanted to feel more than his kisses.



Isang romance writer si Selene. Rom-Com ang genre ng mga isinusulat niya kaya hindi nakapagtatakang marami siyang teenager fans. Isa na roon si Cassey San Romani. Sa sobrang close nila, naikuwento na ni Cassey kung gaano ka-strict ang daddy nito—not to forget, kung gaano rin kabugnutin—na napatunayan ni Selene na totoo. Isang araw kasi ay kinompronta siya ni Mr. Gray San Romani para sabihang layuan si Cassey. Bukod pa roon, tinawag nitong mahahalay ang mga nobela niya. Sa sobrang inis ni Selene, napagsalitaan niya ang lalaki:

“You’re a jerk. Mabuti na lang at hindi nagmana sa `yo si Cassey.” Pagkasabi niyon, mabilis na tumalikod si Selene at tumakbo.

Pero hindi niya akalain na magkikita uli sila ni Gray, alas-dos ng madaling-araw, habang nagmamadali siyang maihatid si Cassey pauwi. Plano siyang kasuhan ni Gray ng kidnapping dahil nasa bahay niya si Cassey buong magdamag. May pangalan siyang pinangangalagaan at kapatid na pinag-aaral kaya hindi siya puwedeng makulong. Iyon ang nagtulak kay Selene na isigaw sa harap ni Gray, ng mga pulis, ng mga taga-media, at ni Cassey na may relasyon sila noon ni Gray at siya ang tunay na ina ni Cassey.

Paniwalang-paniwala si Cassey at nagkasakit pa dahil sa kagagawan niya. Kaya inalok siya ni Gray na maging “mommy” ni Cassey hanggang sa puwede na nilang sabihin ang totoo. Pero habang nagpapanggap, unti-unting nahulog ang loob ni Selene kay Gray. Hindi iyon kasama sa kasunduan, but then again… the heck with that deal.
 

social media

Categories