PHR6215 - Tandora’s Box

price
PHP 45.00
Author(s)
2017-05-23 16:08:08

PHR6215 - Tandora’s Box

“I would never find another you and another love like yours kahit gawin ko pang girlfriend ang lahat ng babae sa mundo.”

 

Nang muling makita ni Brent ang ex-girlfriend niyang si Tandie, nag-ipon siya ng lakas ng loob para sabihin sa babae na purely business ang pagkikita nila. Mukha kasing galit pa rin sa kanya si Tandie. Naiinis pa nga si Brent dahil sa paglipas ng panahon ay lalong naging mayabang at naging mas mataray pa ang ex niya.

Pero aaminin niya na mas charming at attractive si Tandie ngayon. At habang nadadalas ang pagtatagpo nila ay lalo siyang nagiging distracted sa presensiya nito. Sayang nga lang dahil inamin ng dalaga na may boyfriend na ito. At mayroon na rin naman siyang bagong idine-date.

Hanggang sa magkaatraso sa kanya si Tandie nang madisgrasya nito ang isa sa pinakamahal na company cars ng Cuomo Group. Brent took it as his chance to get back at Tandie dahil sa ipinapakita nitong ugali. Pero kabaligtaran ang nangyari.

Brent found himself falling for his ex again. Maski pa sinabi niyang never na silang magkakabalikan. Paano niya iyon ipagtatapat kay Tandie gayong may ibang lalaki na itong mahal? Ang isa pa niyang issue—mahigpit ang pagtutol sa kanya ng kapatid ng dalaga.

He needed desperate measures in the name of love.

social media

Categories