PHR6223 - Where I Love You

price
PHP 42.00
Author(s)
2017-05-24 15:48:34

PHR6223 - Where I Love You

“I want to let the world know that I’m proud to be with you.”

 

Tuwing aksidenteng napapanood ni Lavinia si Rance sa TV ay hindi niya maiwasang makaramdam ng sama ng loob. Kababata niya kasi si Rance at inakala niya na masasandalan ito sa lahat ng oras. Pero ipinagpalit siya ng kababata sa kasikatan. Kaya malaki talaga ang galit niya rito at hiniling na huwag nang bumalik sa Pilipinas ang lalaki para hindi na magtagpo ang mga landas nila kahit kailan. Kaso, may ibang plano ang tadhana. Bumalik si Rance sa kanilang lugar. At hindi lang basta bumalik, balak din nitong ibalik ang dati nilang samahan. Hindi pumayag si Lavinia at itinulak palayo ang lalaki.

Bakit ba ayaw siyang tantanan ni Rance? Ayaw na nga niyang bumalik sa dati! Ayaw na niyang maalala na minsan niya itong minahal. At ayaw na niyang mapamahal uli rito. Kaso sa bandang huli, talo pa rin si Lavinia dahil nagawa ni Rance na mapaibig uli siya. Akala niya ay magiging maayos na ang lahat pero nakita niyang may inaalagaang ibang babae si Rance kung kailan dapat nasa taping ito.

Flavor of the month lang ba siya ni Rance at saan mang lugar ito mapunta ay may babaeng sinusuyo?

social media

Categories