PHR6226 - Joker's Trick

price
PHP 85.00
Author(s)
2017-06-01 14:36:21

PHR6226 - Joker's Trick

“I can never be happy, especially if you’re not with me, in my life, by my side.”

 

Minsan ba naramdaman ninyong parang may mga pangyayari na hindi ninyo matandaan? O may mga pangyayari na parang pamilyar? Naramdaman na kasi iyon ni Marylyn nang minsang magkasama sila ni Joker, ang isa sa mga gitarista ng bandang Gamblers.

Tuwing binabanggit ni Joker ang palayaw niya, pakiramdam niya ay parang kilalang-kilala iyon ng kanyang puso. Tuwing pinapangaralan siya nito, pakiramdam niya ay nangyari na iyon dati. Pero bakit hindi niya maalala? Bakit kahit anong halughog ni Marylyn sa isip, hindi niya matandaang nagkalapit sila ni Joker noong college? Ang natatandaan lang niya talaga noon ay ang sobrang pagkahumaling kay Miggy, ang bokalista ng banda.

Hanggang sa dumating ang araw na nagkalapit ang loob nila ni Joker. Hindi inaasahan ni Marylyn na ang pilosopo at masungit na lalaki ay may itinatago palang lambing at bait sa katawan. At hindi niya akalain na magiging mabilis ang pagkahulog niya rito.

Pero mabilis ding natapos ang masaya nilang samahan nang malaman ni Marylyn ang katotohanan: ang sagot kung bakit may mga pangyayari na hindi niya maalala. At hindi niya matanggap na si Joker pala ang dahilan ng lahat…

social media

Categories