PHR6229 - Ikaw Na Ba Si Mr. Right?

price
PHP 45.00
Author(s)
2017-06-01 14:42:00

PHR6229 - Ikaw Na Ba Si Mr. Right?

“Mahal kita mula noon hanggang ngayon. Kaya kung papayag ka, aagawin kita sa kanya.”

 

“He could never be my kuya. Dahil nakalaan siya para maging asawa ko pagdating ng tamang panahon!”

Iyon ang gustong panindigan ni Lhae nang pagbawalan siya ng kapatid na magka-crush man lang sa best friend nitong si Nathan—ang nag-iisang lalaki na kinikilala ni Lhae na pinakaguwapo sa kanilang village. Itinuring din niya itong Prince Charming nang ibalik at isuot nito sa kanyang paa ang kapares ng rubber shoes na inihagis niya sa magnanakaw na tumangay ng kanyang bag sa park. Kaya naman naniwala siya na si Nathan ang kanyang Mr. Right. At handa siyang gawin ang lahat mapansin lang nito—kahit na siya pa ang unang magtapat at manligaw.

At sa gabi ng kanyang eighteenth birthday, nagawa nga ni Lhae na mag-confess ng feelings kay Nathan. Pero mukhang wrong timing ang love confession niya. Dahil sa halip na “I love you, too” ang marinig mula kay Nathan, “I’m sorry” ang sagot nito.

“Hindi kita gusto. Kapatid lang ang tingin ko sa `yo dahil… d-dahil may iba akong gusto.”

social media

Categories