CQS00006 - Crimson Quest 6: Star-crossed

price
PHP 42.00
Author(s)
Arielle

CQS00006 - Crimson Quest 6: Star-crossed

Umalis si llyse sa bayan nila para takasan ang kahirapan. Nagsikap siyang magtrabaho at mag-aral sa Maynila ngunit lagi ay puro kamalasan ang inaabot niya.

Kasalukuyan siyang namomroblema na naman sa panggastos nang matuklasan niyang ang lahat ng pera at negosyo ng kanyang Tita Me-Ann ay ipinamana nito sa kanya.

Makakaahon na siya sa kahirapan at maaari na niyang matupad ang lahat ng pangarap niya sa buhay. Unfortunately, mayroong kasamang kondisyon ang kanyang mamanahin. Kailangan niyang pamahalaan at asikasuhin ang isang escort dating service!

Napakabata pa niya para i-manage ang ganoong klase ng negosyo. Kaya nagpasya siyang lumikha ng ibang katauhan. Siya na si Miss Caressa, ang kapatid ni Maria Anna na dating may-ari ng escort service business. Sa trabahong iyon niya nakilala si Spark.

Si Spark na ang nagmamay-ari ng susi sa silver locket na iniwan sa kanya ng tita niya. Ipinamana raw dito ng tito nito ang golden key ng locket. Ang tito pala nito ang one great love ng tita niya.

Hindi niya maiwasang isipin na ano kaya kung sila ni Spark ang magtuloy sa naudlot na pagmamahalan ng kanya-kanyang tita at tito? Pero malabo yatang mangyari iyon—dahil ilang beses nang nagsabi ito na kung bata-bata lamang si Miss Caressa ay magugus- tuhan nito ang babae.

Susme, nagseselos siya sa alter ego niya!

 

Book Dimension: 17.2x10.8x0.6 cm

social media

Categories