PHRS5300 - Fangirls Series 1 - Jessica's Real Love

price
PHP 39.00
Author(s)
Maricar Dizon

PHRS5300 - Fangirls Series 1 - Jessica's Real Love

"Kahit na masaktan mo yata ako, babalik at babalik pa rin ako sa iyo. Papatunayan ko pa rin sa iyo na higit ako sa kahit na sino. Mahal kasi kita.”

Marketing officer ng isang clothing line si Jessica Andrade. Perpekto at matured siya sa tingin ng lahat. Pero ang totoo, may itinatagong “kabaliwan” ang dalaga—closet fangirl siya ni Kai Benjamin, ang number one male celebrity sa Pilipinas. Kaya nang malamang kakilala ang idolo ng katrabaho at drinking buddy na si Paolo, hindi iyon pinalampas ni Jessica. Nakiusap siya sa binata na mag-set kahit isang date lang para sa kanya at kay Kai. At nang gabi ng kanilang date ng idolo, sa labis na tensiyon, naparami naman ng inom ang dalaga kaya nang dumating si Kai, lasing na siya at nawalan pa siya ng malay. Nagising siya kinabukasan sa loob ng isang hotel room. She realized she just had a one-night stand with her idol! Lalo tuloy niyang pinagbuti ang paghabol kay Kai sa tulong pa rin ni Paolo. Pero habang tumatagal, bakit parang kay Paolo naman nagsisimulang bumilis ang tibok ng puso ni Jessica? And there was something intimate with the way he looked at her that made her stomach flutter. Pero hindi ba si Kai ang mahal niya? Kung ganoon, ano ang tunay na nararamdaman niya para kay Paolo?

social media

Categories