GSP00002 - G Spot 2: And Then He Kissed Me

price
PHP 39.00
Author(s)
Sheena Rose

GSP00002 - G Spot 2: And Then He Kissed Me

“Hindi kita tinanggap dahil kaya mong ibigay ang lahat sa akin. You’re a part of my life because of all the wonderful things that you can make me feel.”

Unang engkuwentro pa lamang ni Yaney kay Vito ay nayabangan na siya sa lalaki. Pinintas-pintasan kasi ni Vito ang bar and restaurant nilang magkakaibigan at pati na rin ang banda niya ay minaliit nito. Kaya sa sumunod na pagkikita nila, nasapak niya si Vito. Pinagsisihan ni Yaney ang pagsapak at pag-away sa lalaki nang matuklasan niya kung gaano kalawak ang impluwensiya ng pamilya nito. Para matapos ang ginawang pagganti ni Vito, napilitan si Yaney na mag-sorry. Pero may hininging kondisyon ang lalaki upang patawarin siya. Gusto ni Vito na maging girlfriend siya nito sa loob ng pitong araw. Putik! Nakakainis talaga ang lalaking ito! Pero bakit palagi na lang nakikita ni Yaney si Vito bilang real-life version ng crush niyang manga character? Ibig bang sabihin niyon ay crush na rin niya si Vito? Yuck!

social media

Categories