PHR05871 - The Ladies' Man Meets... Gabby Junio

price
PHP 42.00
Author(s)
Andie Hizon

PHR05871 - The Ladies' Man Meets... Gabby Junio

“Tatanggapin ko ang pag-ibig mo nang buong-buo at susuklian ko pa nang sobra-sobra.”

Nagtamasa ng marangyang buhay si Gabby sa piling ng mga Dizon—ang pamilyang kumalinga sa kanya. Ngunit isang krimen ang bumago sa buhay niya. She was sixteen when her Mommy Myrna and Daddy Ardo died. May mga magnanakaw na sumalakay sa bahay nila at pinatay ang pangalawa niyang mga magulang.
Ang masakit, isang kaibigan niya ang sangkot sa pagpatay sa mag-asawa. Dahil doon kaya lalong lumayo ang loob ni Abel sa kanya. Ang binata ang nag-iisang anak ng mga Dizon. Umalis ito ng bansa na galit sa kanya.
Pagkalipas ng walong taon, bumalik si Abel at binulabog ang mundo niya. Galit pa rin si Abel at si Gabby naman ay gagawin ang lahat para mapatawad ng binata. Inalila siya nito, tinanggap niya. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil napatawad din siya ni Abel kalaunan.
Pero isang araw, sinabi ni Abel na mahal siya nito. Iyon daw ang dahilan kaya hindi ito pumayag na ampunin siya ng mag-asawang Dizon. Malaki ang naging epekto niyon kay Gabby dahil sa totoo lang ay matagal na niyang iniibig si Abel. Mula noon ay ipinaramdam ni Abel sa kanya kung gaano siya kamahal ng binata. Gustong-gusto niyang maniwala, kahit pa maraming pagkakataon na naiisip niya na paraan lang ni Abel na paibigin siya at didispatsahin din dahil magpasahanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kanya.

social media

Categories