PHR05831 - This Has Got To Be Love

price
PHP 42.00
Author(s)
Shaylee Sizon

PHR05831 - This Has Got To Be Love

“Tuwing ini-imagine ko ang future ko ay kasama ka palagi. Kung hindi pa love `to, ewan ko na lang. You’re my real-life hero. The man I prayed and waited for, all my life.”

Predictable at boring. Iyon ang masasakit na salitang ibinato ng ex-boyfriend ni Aica sa kanya nang matuklasan niya ang pambababae nito. Dahil sa nangyari ay nasira ang mga plano niya. Kaya pagkatapos ng masakit na breakup ay nagdesisyon siya na lumayo at magbakasyon muna sa Palawan. Doon ay nakilala niya si Billy na naroon din pala sa parehong dahilan. Dahil kapwa brokenhearted ay agad silang nagkasundo at naging magkaibigan. Pero mukhang may magic na dulot ang isla ng Palawan dahil sa paglipas ng mga araw ay unti-unting nakalimutan ni Aica ang pagiging brokenhearted at isang matinding atraksiyon ang naramdaman niya kay Billy.
Hanggang isang gabi ay bigla na lang siya nitong hinalikan. One kiss led to a passionate night together. Labag man sa loob ay napilitan si Aica na putulin ang anumang namamagitan sa kanila ni Billy dahil hindi pa ganap na handa ang puso niya para sa isang panibagong pag-ibig.
Lumipas ang isang buwan. Handa na sana si Aica na kalimutan ang gabing iyon. Saka naman niya nalaman na buntis pala siya.

social media

Categories