PHR5563 - Just Like That

price
PHP 39.00
Author(s)
Dimples Red

PHR5563 - Just Like That

“The more and more time I spend with you, the more and more I realize that I am doing the one thing I thought I would never do again, and that is to fall in love…”

Sa pag-aakalang “magsu-suicide” ay iniligtas ni Lawrence si Shane nang makita siya ng lalaki na nakatuntong sa balustre ng isang footbridge. Pilit lang namang inaabot ni Shane ang last money niyang singkuwenta pesos na lumipad at sumabit sa footbridge para pamasahe sana pauwi matapos ang paghahanap ng trabaho. Ang hindi pa niya inaasahan ay napagkamalan sila ng mga usisero at usisera na may relasyon at may matinding LQ. Pero sa kabila ng inis ni Lawrence sa perhuwisyong dulot ni Shane, hindi inakala ng dalaga na dadamayan at tutulungan pa rin siya ng binata, lalo na nang malaman nito ang biglang pagkamatay ng kanyang lola dahilan para maiwan siyang ulilang-lubos. At sa isang iglap ay nahulog ang loob ni Shane sa binata. Iyon nga lang, hindi matanggap ni Shane na matapos siyang pakiligin, mahalikan, at sabihan ni Lawrence na liligawan nito ay saka naman niya mahuhuling may iba itong kahalikang babae! At dahil sa nakitang eksena, mukhang maglalaho sa isang iglap ang namumuong pag-iibigan sana nila ni Lawrence…

 

social media

Categories