PHR5565 - Dapat Ka Bang Mahalin?

price
PHP 79.00
Author(s)
Heidi Colette

PHR5565 - Dapat Ka Bang Mahalin?

“In my eyes, you are simply perfect.”

Kilala si Zahara bilang mayaman, easy-go-lucky, at spoiled brat. Lahat ng kanyang gusto ay nakukuha niya. Kaya nang ibigin niya si Anthony, may fiancée man ito, ay gumawa siya ng kasinungalingan upang maikasal sa binata. Sa halip na maging masaya ay naging malungkot ang buhay ni Zahara sa piling ni Anthony. Nagsasama nga sila sa iisang bubong pero hindi siya kinakausap ng asawa. Madalas din ay wala ito. At dahil mahal niya si Anthony, hindi siya sumuko. Ginawa ni Zahara ang lahat mapatunayan lamang na karapat-dapat siya sa asawa. Nag-aral siyang magluto, maglinis ng bahay, at mag-grocery. Sa wakas ay unti-unti nang nakukuha ni Zahara ang puso ni Anthony. Ngunit may nagbabanta palang panganib sa kanilang pagsasama. Bumalik ang dati nitong nobya. Ang malala pa, sa bahay nila panandaliang mananatili ang babae dahil may problema ito at si Anthony lamang ang mahihingan ng tulong. Pumayag si Zahara sa ganoong setup dahil may tiwala siya sa asawa. Pero sapat na nga ba ang panahong nakasama niya si Anthony upang patuloy pa rin siyang magtiwala na sa huli ay walang magbabago sa pagsasama nila?

social media

Categories