PHR5615 - My Beloved Samaritan

price
PHP 39.00
Author(s)
Teresa Andrada

PHR5615 - My Beloved Samaritan

“Ngayon lang ako nagmahal sa buong buhay ko, Mary. I don’t want to lose you. I’d rather die.”

Mula nang maging topnotcher sa Bar exam si Mary ay malaki ang naging pagbabago sa buhay niya. Kumikita na siya nang higit pa sa kanyang inaasahan dahil sa kilalang law firm siya nabibilang. Kung buhay lamang ang kanyang ama ay mararanasan din nito ang tinatamasa nila ng kanyang ina. Tahimik na sana ang buhay ni Mary nang magtagpo ang mga landas nila ni Gabriel—ang lalaking tumulong sa kanya noong nasa kritikal na kalagayan ang kanyang ama at kinailangan niyang gawin ang isang bagay kapalit ng perang ipinampagamot nila sa ama. Pilit siyang pinapaamin ni Gabriel kung siya ba ang “bayarang babae” na nakasama nito noon. Itinanggi niyang siya iyon dahil nais na niyang kalimutan ang nakaraan. Ngunit ang puso niya ay hindi mapigil ang kilig sa presensiya at pagpapapansin ng lalaki. In all fairness kay Gabriel, ipinakita nitong interesado ito sa kanya. Pero nang aamin na si Mary na nahuhulog na rin ang puso niya ay nalaman niyang mayroon nang fiancée ang binata. And worst, mababa na naman ang tingin ni Gabriel sa kanya nang inakala nito na nagpapabayad siya sa congressman na kalaban niya sa isang kaso—at ama ng fiancée ni Gabriel.

social media

Categories