PHR5632 - My Crazy Heart

price
PHP 39.00
Author(s)
Kayla Caliente

PHR5632 - My Crazy Heart

“Kissing you is something I have been longing to do for quite a while now. It’s a temptation I know I wouldn’t be able to resist for long…”

Numero unong tanga si Gwyneth pagdating sa pag-ibig. Daig pa nga raw niya ang addict kaya kailangan nang magpa-rehab. Kaya nang matuklasang niloko na naman siya ng nobyo niya sa pangatlong pagkakataon, pinalayas na muna si Gwyneth ng Kuya Wayne niyang kunsumido na sa kanyang katangahan. Pinapunta siya nito sa probinsiya. Mamasyal daw siya, maglibang, at harinawa, mauntog ang ulo at matauhan. Ewan kung nagdasal nang paluhod sa lahat ng simbahan ang kuya niya dahil sa pagkaka-exile ay may nakilala si Gwyneth. Si Ardie. Ito ang nagpatotoo sa kanya ng kasabihang “there are many other fishes in the ocean.” Dahil unang kita pa lang niya sa lalaki ay kumabog na ang kanyang dibdib. Iyon nga lang, pareho pala sila ng problema ni Ardie. Katulad ni Gwyneth, tanga rin ang lalaki pagdating sa pag-ibig. Umasta silang miyembro ng self-help group at umubra naman. Hindi nga lang lubusan. Dahil mukhang si Gwyneth lang ang nagtagumpay sa kanyang pagpapa-rehab. Heto pa ang masaklap. Natauhan nga siya pero kasawian din naman yata ang kanyang mapapala nang kay Ardie naman nahumaling ang kanyang puso.

social media

Categories