PHR5658 - Feel It In Your Heart

price
PHP 42.00
Author(s)
Wendy Shaw

PHR5658 - Feel It In Your Heart

“My eyes knew exactly who I was looking for. It went straight to you.”

Fangirl. Iyon si Gwynette kay James Scott, ang half Australian-half Filipino singer-slash-actor na nanalo sa isang reality show. Pero hindi kagaya ng karamihan sa fans nito, hindi niya ninais na maging boyfriend ang binata. Sapat nang makaramdam siya ng kilig tuwing nakikita sa telebisyon o kaya ay ang maka-chat ito. Napagdesisyunan na kasi niyang hinding-hindi na siya muling iibig pa dahil sa naging karanasan sa huling naging boyfriend niya. Nang makilala ni Gwynette si James nang personal at mapalapit sa binata ay sobra-sobrang kilig ang kanyang naramdaman. Wala itong ipinakita kundi kabaitan. Tuwing kasama niya ang binata ay hindi nito ipinaparamdam sa kanya na isa siyang fan. Ngunit mukhang masama ang naging epekto sa puso niya ng paglalapit nila. Huli na nang ma-realize ni Gwynette na mahal na niya si James. Sa halip na pigilan ay hinayaan niya ang sariling mahalin ang binata. Ipinaramdam naman kasi ni James na mahal siya nito. Ang buong akala niya ay hindi na matatapos ang maliligayang araw niya sa piling nito, ngunit nagkamali siya. Dahil nasaktan siya sa pangalawang pagkakataon nang malaman niyang niloloko lang pala siya ni James.

social media

Categories