PHR5676 - Crazy In Love

price
PHP 39.00
Author(s)
Kayla Caliente

PHR5676 - Crazy In Love

“One of a kind. Unique. The only one in the world. That’s what you are. And that’s what makes you so special…”

Primerang kandidata raw si Aji sa pagkamatandang dalaga. Wicked witch of the North daw siya. Pero kiber niya. Hindi siya apektado, pinangangatawanan pa nga niya. Oo, wala siyang balak pumatol sa mga lalaki. At may maganda siyang dahilan. Sa nakita niya sa mga kapatid ay sakit ng ulo at sandamakmak na problema lang ang hatid ng mga kalalakihan sa buhay nila. Ang masaklap, mukhang balak ng mga pamangkin niya na pamarisan ang maling landas na tinahak ng mga kapatid niyang gumarutay nang maaga. Hindi makakapayag si Aji. Deklarado ang Martial Law sa buhay ng dalawang dalaginding. Suspendido ang karapatang-pantao ng mga ito. Para mabawi ang kalayaan ay may naisip na bulok na pakulo ang mga ito. Base iyon sa paniniwala na kung may love life si Aji ay malamang na hayaan niyang magka-life ang dalawang bagets na mahilig sa boys at gimikan. Entra sa eksena si Zac, tito ng isa sa mga boylet na umaaligid sa mga pamangkin ni Aji. And whatta guy. Mahirap tanggihan kahit pa ng certified manang na kagaya niya. And suddenly, falling in love doesn’t seem like a bad idea. Paano ba naman ay ang husay magpa-in love ni Zac. Kaso ay totoo ba ang mga sinasabi ni Zac o may pakay lang ito? Nang malaman ni Aji ang sagot ay sumumpa siya na babalik na lang siya sa matandang dalaga peg niya. At isinusumpa na rin niya si Zac.

social media

Categories