PHR5690 - Dare To Love You

price
PHP 39.00
Author(s)
Gazchela Aerienne

PHR5690 - Dare To Love You

“Kahit ano’ng gawin kong pagmamando sa sarili ko, hindi kita magawang kalimutan. Hindi ko magawang magalit sa `yo nang matagal. Para akong tino-torture sa bawat araw na hindi tayo magkasama.”

Depressed na si Chantal Yvonne dahil hindi siya pinapansin ni Zuriel Andreau kahit ipinagsisigawan niya ang kanyang pag-ibig para sa binata. Halos pakyawin na ng binata ang lahat ng psychiatric nurse sa pinagtatrabahuhan niyang ospital pero bakit siya ay hindi man lang nito magawang tapunan ng pansin? Sexy naman siya, maganda, at galing sa isang magandang pamilya. Pinagtatawanan na siya ng kanyang mga kaibigan at hinamong paibigin ang binata sa loob ng tatlong buwan. Duda man na mananalo sa pustahan ay pumayag pa rin siya. “Malala na ang kabaliwan mo, Yvonne. Mas malala ka pa sa mga pasyente rito,” minsan ay sabi ni Zuriel Andreau nang yayain niya uli ito ng date. Pero naawa yata kay Chantal si Tadhana dahil isang araw ay pumayag si Zuriel Andreau na makipag-date sa kanya—na kalaunan ay nauwi sa totohanang relasyon. Hinayaan siya ng binata na makapasok sa puso nito maski natatakot nang muling magmahal dahil minsan na palang nasaktan. Paano na kapag nalaman nito na ang puno’t dulo ng maganda nilang relasyon ay isang pustahan? At ang puso nito ang tropeo na pinagpupustahan?

social media

Categories