PHR5757 - When She Loves

price
PHP 39.00
Author(s)
Say Lauren

PHR5757 - When She Loves

“Ask me again if I’m serious and I will kiss you. Paulit-ulit hanggang sa magsawa ka.”

When Jella loves, she would give her all and everything out of it. Kaya naman nang ma-in love siya kay Jiro ay minahal niya ito nang buong puso. However, Jiro loved her best friend Samantha. Pero namatay si Sam sa isang plane crash na naging dahilan para biglang mag-iba ang pagkatao ni Jiro. He could not move on. Sa nakalipas na dalawang taon ay nabalot ng lungkot ang mundo ng binata. Gustuhin man ni Jella na tulungan si Jiro para makabangon muli ay hindi naman siya nito hinahayaan at palagi siyang itinataboy. Masakit mang tanggapin na kailanman ay hindi siya maaaring mahalin ni Jiro tulad ng pagmamahal nito sa kanyang best friend, ay patuloy pa ring umasa si Jella. Kahit mahirap. Kahit masakit. Kahit pa alam niya na sa huli ay puwede siyang masaktan nang labis. Hindi siya susuko. Hindi niya hahayaang lamunin lang ng kadiliman ang lalaking pinakamamahal. Siya ang magiging pintura ni Jiro para kulayan ang madilim nitong mundo. Sana lang ay kayanin niya ang sakit na dulot ng isang one-sided love…

social media

Categories