PHR5775 - My One And Only You

price
PHP 39.00
Author(s)
Zyrielle C.

PHR5775 - My One And Only You

“Tinanong mo ako minsan kung hanggang saan ang kaya kong gawin para sa pag-ibig. Ang sagot ko, hindi masusukat ang kayang gawin ng isang tao kapag nagmamahal.”

Nasusukat ba ang pag-ibig sa tagal ng isang relasyon? Sa kaso ni Ysabelle na isang guro na may simpleng pamumuhay, masasabing napakasuwerte niyang makatagpo ng isang lalaking magmamahal sa kanya nang tunay sa katauhan ni Luke. Minahal at tinanggap siya ng nobyo nang buong-buo. She found him to be a perfect guy kaya may mga pagkakataon na pakiramdam niya ay napaka-boring ng kanilang relasyon. Sa pagkakataong iyon ay nakilala ni Ysabelle si Jasper, ang kuya ng isa sa kanyang mga estudyante. May dulot ang lalaki na kakaibang pintig sa kanyang puso. Pero nagtapat si Jasper ng pag-ibig sa kanya. Paano na si Luke? Magagawa ba niyang ipagpalit ang nobyo at ang sampung taong relasyon nila para kay Jasper na nagparamdam ng kakaiba sa kanya? Hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa pag-ibig?

social media

Categories