PHR6173 - Trinity's Yesterday And Today

price
PHP 42.00
Author(s)
2017-05-22 16:19:41

PHR6173 - Trinity's Yesterday And Today

Ang pag-ibig, parang respeto, hindi hinihingi. Kusang ibibigay iyon sa iyo ng isang tao kapag sa tingin niya, nararapat para sa `yo.

 

Inggit na inggit si Trinity sa kakambal na si Toni dahil may nagmamahal na rito. Samantalang siya, tumatandang mag-isa at nakakulong sa kanilang kompanya. Yes, she loved what she was doing. At masaya rin naman siya dahil nakakapagbakasyon na ang daddy niya pagkatapos na palitan niya ito sa puwesto sa kanilang kompanya.

Pero kailangan din ni Trinity ng taong magpapasaya sa kanya, ng makakasama sa pagtanda. At habang naghihintay, may isang lalaking bumalik sa buhay niya: si Vio.

Si Vio na pagkatapos niyang mahalin nang sobra ay iniwan din siya. At ngayon, kung makaarte ito ay parang hindi naging “sila.” Ipinamumukha talaga iyon ni Vio sa kanya. Totoo iyon pero nakakainis pa rin dahil pareho naman nilang sinabing gusto nila ang isa’t isa.

Pero dahil may sama yata ng loob si Kupido sa kanya, pinana na naman siya. Nabuhay ang damdaming matagal na niyang kinalimutan. She fell for Vio again. Pero tulad noon, unreciprocated pa rin ang damdamin niya.

Ang sabi niya sa sarili: “Hindi na ako uulit. I won’t let you hurt me again. Pero tuwing nakikita kita, nakakalimutan ko ang mga pangakong iyon at parang tangang lalapit at lalapit pa rin sa `yo.”

social media

Categories