PHR6175 - More Than A Fairy Tale : The Lost Princess

price
PHP 42.00
Author(s)
2017-05-22 16:27:54

PHR6175 - More Than A Fairy Tale : The Lost Princess

“You are really a sweetheart. You are precious. And for that, you are worth keeping for…”

Kahit kailan ay hindi pa naranasan ni Rapunzel na makalabas ng bahay nila na nakatayo sa gitna ng kagubatan. Wala siyang ibang kilala kundi ang mahigpit niyang ina na si Mama Greta. Gustong-gusto niyang lumabas ng bahay, pero nakatatak na sa isip ang babala ng kanyang ina. Magulo raw ang mundo sa labas.

Napatunayan ni Rapunzel na totoo iyon. Nang minsang hindi niya sinasadyang makalabas ng bahay, ginulo ng isang lalaki ang mundo niya. Higit sa lahat, ginulo nito ang puso niya. Nahulog ang loob niya kay Stefan Valdez at umasa siyang ganoon din ang lalaki sa kanya.

Pero malupit ang mundo kay Rapunzel. Nang malaman niya ang sekreto sa kanyang pagkatao, nalaman niyang may sekreto rin pala si Stefan.

Lahat pala ng pinagsamahan nila ay panandalian lang…

 

social media

Categories