PHR6202 - Kanlungan

price
PHP 42.00
Author(s)
2017-05-23 15:01:44

PHR6202 - Kanlungan

 

“I need you. And I want you to need me, too. On your terms. `Cause I can’t help it. I’m falling for you.”

 

Na kay Ardy na ang lahat ng alas—nakatira sa bahay niya si Schelie. Ulila na ito at pagkatapos maaksidente ay naging dependent na sa kanya. Higit sa lahat, siya lang ang boyfriend material na malapit sa dalaga. Mukhang mapuputol na ang losing streak niya sa pag-ibig pagkatapos ng tatlong babaeng nagdaan.

“Konting-konti na lang.” Parang linya lang ni Angelica Panganiban sa pelikula—mapapapayag na niyang magpakasal si Schelie. Pero biglang sumingit si Mark. Mas romantic. Mas bata. Mas marunong manligaw. At higit sa lahat, ito ang nag-ala superhero noon na nagligtas kay Schelie mula sa aksidente.

Kailangang may gawin si Ardy para masigurong sa kanya mapupunta ang babaeng minamahal. Pero paano niya maaagaw si Schelie kung naunahan na naman siya ni Mark? At ngayon, ginagamit pa ng karibal niya ang kasalukuyang kondisyon para masiguro ang pang-apat niyang heartbreak.

 

social media

Categories