PHRS5289 - The Other Side Of Love

price
PHP 79.00
Author(s)
Dawn Igloria

PHRS5289 - The Other Side Of Love

“I wasn’t expecting anything… But fate has a way of catching me by surprise. I found a gold mine in you.”

Dalawang taon nang patay ang boyfriend ni Majoyce. Namatay si Adam sa isang sakuna sa dagat. At sa pagdaan ng mga taon ang dating romantic feelings niya para sa nobyo ay nalipat na sa guwapong ama nitong si Luis, na sa kabila ng edad ay nanatiling hunk at mukhang bata. Luis was every woman’s dream: sweet, gorgeous, urbane, accomplished. Hindi napigil ni Majoyce ang puso niya na ibigin ito. Kaya nang dumating ang pagkakataon na mag-propose ito ng kasal ay pumayag siya. Napatunayan ni Majoyce na paraiso ang bawat araw sa piling ni Luis. Ngunit hindi pala lahat ng araw ay ganoon. Dahil isang araw ay bigla na lang dumating si Adam. Buhay pa pala ang dating nobyo at hindi ito ang bangkay na inilibing nila dalawang taon na ang nakararaan. Ngayon, dalawang lalaki na ang nagke-claim sa puso ni Majoyce. At sinuman ang piliin niya sa dalawa ay pare-pareho lang silang masasaktan.

social media

Categories