PHRS5453 - Someone Like You

price
PHP 139.00
Author(s)
Camilla

PHRS5453 - Someone Like You

“Handa akong ligawan ka, go the distance to win your heart fair and square.”

Pinanghawakan ni Maan ang pangakong pakakasalan siya ng childhood sweetheart na si Virgilio at babalik ang binata mula sa Amerika kung saan nag-migrate ang pamilya nito. Nagpaka-faithful si Maan at halos kay Virgilio na umikot ang kanyang buhay. Pero mukhang wala itong balak na magbalikbayan. Kaya siya na ang gumawa ng paraan na mapuntahan ang kanyang nobyo sa Amerika. Saka naman dali-daling umuwi si Virgilio. Pero napuna ni Maan na hindi na ito ang Virgilio na minahal niya noon. Laging paiwas sa kanya. Hindi kaya may nobya na itong iba? At ganoon na lang ang sama ng loob ni Maan nang makitang may picture ng isang magandang babae sa maleta ni Virgilio. Kinompronta niya ang kanyang nobyo hanggang sa puntong nagbanta na siyang magpapakamatay kung hindi rin lang sila ang magkakatuluyan. Noon napilitang mag-propose ng kasal si Virgilio. Pero bakit ganoon? Kung kailan ikakasal si Maan sa kaisa-isang lalaking minahal niya, saka naman siya na-attract kay Adrian na designer pa mismo ng wedding gown na isusuot niya! Isang pangyayaring maglalagay sa mga buhay nila sa alanganin ang mag-uudyok para magkaaminan ng kani-kanilang mga lihim sina Adrian at Virgilio…

social media

Categories