PPS00050 - Diary Ng Maganda

price
PHP 85.00
Author(s)
Victoria Amor

PPS00050 - Diary Ng Maganda

“Million steps na ang nasa pagitan natin ngayon.Ako na’ng bahala sa nine hundred ninety-nine thousand nine hundred ninety-eight steps forward. Just take two steps back, sweetheart.”

Sa Dear Beautiful, ako si Venusa. Kilala ng online readers bilang witty and sarcastic lady-adviser na walang pakundangan kung magtapon ng masakit na katotohanan sa mga diary entry-sender. Iisa lang naman kasi ang problema ng mga magagandang readers ko—Pag-ibig.
Kung si Venus ay goddess of love and beauty, si Venusa ay prinsesa ng ganda at love expert—iyon ang akala nila. Wala silang ideya na sa likod ni Venusa ay isang babaeng may lihim.
Si Maria.
Isang perpektong babae—maganda, matalino, matatag, walang kahinaan—sa paningin ng lahat. Subalit sa loob ng apat na sulok ng silid ko ay naroon ang katotohanan—na mag-isa ako at matagal nang nasasaktan. Ang sakit na iyon ay baon ko mula sa nakaraan. Nakaraan na saksi sa lihim ko.
Lihim na nasa mga pahina rin ng diary ko.
Ang diary ko na hawak ngayon ng isang tao—si B, ang nag-iisang lalaking may alam sa lihim ko.
 

social media

Categories