SROG00016 - Señorito Series 16 : Don Luciano

price
PHP 45.00
Author(s)
2017-07-17 14:17:16

SROG00016 - Señorito Series 16 : Don Luciano


Nakaligtas si Don Luciano mula sa kamay ng mga kidnappers, pero nangamba ang malalapit sa kanya na makidnap uli kaya ikinuha siya ng bodyguard. Babae. Si Elpidia Bagsic, anak ng kilabot na hit man. Siguradong maaasahan daw ito kapag may kalaban.
So what? Maganda at sexy ang ni-request ni Don Luciano na undercover bodyguard, hindi isang babaeng may nakasuksok na suklay sa back pocket.
Pero may choice ba siya? Wala. Dahil pati ang kanyang mama ay pinaboran din si Elpidia.
“Bakit parang ikinahihiya n’yo akong kasama, Sir?” tanong ni Elpidia. Hindi raw ito mao-offend, ang mahalaga lang ay katotohanan.
Eh, di tapatin.
“Ang baduy mo, eh.”
Dahil doon ay muling nanganib ang buhay ni Don Luciano. Nag-amok ang bodyguard!
 

social media

Categories