WGSG00024 - Jamaica, The Wedding Photographer

price
PHP 45.00
Author(s)
2017-07-05 14:37:05

WGSG00024 - Jamaica, The Wedding Photographer

“Hindi kayang talunin ng anumang dami ng bulaklak ang kaligayahang nasa puso ko kapag kasama kita, Mica.”

 

 

Minsan nang nagtagpo ang mga landas nina Mica at Christian. Nagkabungguan sila at nagkaangilan pa. Kaya naman gulat na gulat si Mica nang makita uli ang lalaki. Anak pala ito ng best friend ng tita niya at sa bahay nila magbabakasyon.

Natuklasan niya na mabait naman pala si Christian. Hindi tuloy niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya rito. Tuwing makakasama niya ang lalaki ay kakaibang saya ang hatid niyon sa kanya.

Pero hindi lang pala si Mica ang nakakaramdam niyon. Nagtapat ng pag-ibig sa kanya si Christian kaya naman ganoon na lang ang kasiyahan niya.

Wala na yata siyang mahihiling pa. Mayroon siyang mabait at guwapong boyfriend na maipagmamalaki sa lahat at mahal na mahal pa siya.

Pero isang araw, isang babae ang bigla na lang umeksena sa relasyon nila at sinasabing naging asawa raw ito ni Christian.

Diyata’t may hindi ipinagtatapat sa kanya ang lalaki?

 

social media

Categories