Ano ang tunay na mundo? Ang mundo kung saan iisa ang mga nakikita ng mga tao? O ang mundo sa likod nito, mundo na puno ng mga ligaw na kaluluwa at mga elemento sa paligid?
Tama ba na sabihing mali ang nakikita ng mga tao kung mayroon silang nakikita na hindi nakikita ng iba?
Paano kung isang araw ay magising ka na may kakayahang makita ang mga bagay na hindi nakikita ng mga nasa paligid mo? Mananahimik ka na lang ba sa takot na baka isipin ng mga tao na nababaliw ka na?
Paano naman ang mga taong may kakayahang makita ang ganitong mundo mula pagkapanganak pa lang nila? Paano kaya sila nabubuhay sa mundo ng walang katapusang bangungot?