“There’s no other way to get rid of me. Kahit magkaroon ka pa ng sakit na nakakahawa. Magpapahawa na lang ako para magkasama tayo.”
Habang nasa “hibernate mode” si Valerie dahil sa kanyang sawing pag-ibig ay nakatagpo niya si Marcus Volt Salvatore. Ang lalaki ay kapatid ng taong naging dahilan ng kanyang heartbreak kaya mortal enemy na ang tingin niya rito. Mayabang din si Marcus, antipatiko at lagi siyang nginingisihan. Ganoon daw talaga ang mga pogi, sabi pa nito, kaya lalo siyang nainis.
Kaya nang makasama ni Valerie si Marcus, never niyang naisip na magiging gentleman ito. Hindi rin niya inasahan na ibabalik ng lalaki ang kanyang mga ngiti at magiging masaya siyang muli dahilan para ma-in love na siya rito.
Pero katulad lang pala si Marcus ng kapatid nito. Naging sawi rin si Valerie sa bandang huli at doble pa ang iniwan nitong sakit.