Dumating siya kasama ng kanilang lakan, ang punong katalonan mula sa Hilaga, sa Batangan… Nagkatitigan kami, at noon din ay alam na namin na `di namin kakayaning mawalay pa sa isa’t isa.
Muling naalala ni Psalm ang mga naganap sa kanyang nakaraan. Ngunit sa halip na bumalik sa dating katauhan ay mas pinili niyang mamuhay nang tahimik kasama si Jonathan. Pero may mga mata sa dilim na may ibang plano para kay Psalm.