Sanay si'Nathalie sa pakikipagrelasyon, pero
ayaw niya ng seryosohan. Nakailang boyfriend na siya at sa tingin niya, hinding-hindi siya maisahan ng kahit sinong lalaki.
Nakilala niya si Jerome isang beses na nag-bar-hopping siya kasama ang mga kaibigan. Attracted sila sa isa't isa at alam niyang katipo niya ito—iyong tipong saya lang ang hinahanap sa pakikipag-boyfriend. Player ang lalaki, player din si Nathalie; maglalaro lang sila at mag-e-enjoy. Walang feelings na involved, physical attraction lang.
Iyon ang akala niya....