“Hush… There’s a monster in you…”
Isang pambihirang oportunidad ang dumating kay Police Inspector Jemimah Remington nang bigyan siya ng sariling team ng direktor ng SCIU, ang pinapasukan niyang ahensiya na humahawak sa mga murder cases na mahirap lutasin. Isang serial killing case ang una nilang kaso.
Jemimah was given a promising roster of team members: si Mitchel, isang napakatalinong profiler; si Paul na isang matulunging prosecutor; si Douglas na masunuring rookie cop; at si Ethan, isang napakagaling at misteryosong private investigator.
Isang matalino at malupit na serial killer ang kailangan nilang hanapin at hulihin. At habang tumatagal, unti-unting nare-realize ni Jemimah na mas personal pala ang kasong iyon kaysa sa inaasahan niya…