“Hindi ko ugaling manakit nang sinasadya at ganoon kalala.”
Isang araw, bigla na lang nagbago ang tingin ni Deib kay Maxpein nang makita niya ang nakakaawang hitsura nito nang i-bully ng isang estudyante. Hindi rin siya mapalagay nang marinig na may boyfriend na ang babae.
Pero agad na bumalik ang pagkainis ni Deib kay Maxpein nang maaksidente siya dahil sa kagagawan nito.
Saan kaya sila dadalhin ng pag-aaway na iyon kung tuwing nakikita ni Deib si Maxpein ay pabago-bago rin ang nararamdaman niya para sa babae? Naaawa ba siya dito dahil bukod sa kanya, may iba pang nambu-bully dito?
O meron nang mas malalim na dahilan na kahit sa sarili ni Deib ay hindi niya maamin?