“There’s nothing I love more than having you. I love you more than I probably should.”
Pagkatapos mawala ng haligi ng mga Moon, sobrang pagpipigil ang ginawa ni Maxpein para hindi makapanakit nang sobra kahit puno na ng galit ang puso niya. Pero sinusubukan talaga siya ng mga Rewis. They were really targeting her weakness—her family. And she couldn’t handle it anymore, kaya naman nagawa niya ang isang bagay na ipinagbabawal sa kanila.
And now, Maxpein should face the consequence of her actions. Consequence na akala niya noong una ay kaya niyang harapin. Dahil nangako siya kay Deib na babalik siya… kahit alam niyang may posibilidad na hindi na talaga siya makabalik.