Sa klase, nagkakabuhol-buhol ang mga salita sa dila ni Pol, kaya hindi siya makapag-recite.
`Tapos, kapag nag-umpisa ang magbulungan at maghagikhikan ang kanyang mga kaklase, nagiging semento ang kanyang katawan at hindi na siya makapagsulat sa pisara.
At kapag nag-e-exam, hindi niya matandaan ang mga inaral niya, kaya parating zero ang kanyang score.
Alamin sa kuwentong ito kung ano ang kulang sa pagkatao ni Pol at kung sinong magiliw na kaanak ang nagbigay ng tagubilin sa kanya upang mapangibabawan niya ang kanyang kahinaan.