Ang Alpabeto Sa Malaking Kahon Kuwento ni Genaro Gojo Cruz Sining ni Pepot Atienza
Dumating na ang Balikbayan Box na padala ni Nanay.
Nagtatrabaho si Nanay sa Hongkong. Ilang araw din naming hinintay ni Bunso ang pagdating ng kahon.
Sabik na sabik na kaming mabuksan ito!
Ano-ano kaya ang laman ng malaking kahon?
Samahan natin ang magkapatid na alamin ang mga
laman ng kahon at ang sorpresang naghihintay sa kanila!
Rekomendado ang aklat na ito para sa mga batang edad 5 pataas.
Book size: 9x8 inches