Hindi pa rin napapawi ang sumpa. Mayroon pa ring gabi ng dugon na labis na kinatatakutan ng mga tibaro. Para tuluyan na itong mawala, kailangang maibalik ang kahuli-hulihang ginto. Ang ginto na nagsisilbing buhay ni Liliw.
May isang malaking desisyon na dapat gawin si Moymoy: ang manatiling maligaya sa Amalao kasama ang ina at kapatid o ang tuparin ang pangako sa mga tibaro na kunin ang kahuli-hulihang ginto mula kay Liliw upang mapawi ang sumpa.
Kakayanin ba ni Moymoy na mawala ang ina kapalit ng pangako?