Sa lahat ng mga magtataho ay ang tatay ni Tere ang may pinaka-matinis na boses. Parang mababasag ang mga salamin sa bintana ng mga kapitbahay kapag sumisigaw ito. Maraming suki ito dahil aliw na aliw ang mga ito sa kakaibang tono nito.
Ngunit isang araw, nagkasakit ang tatay ni Tere at hindi makasigaw. Pumalit ang kanyang kuya sa pagtitinda. Mukhang mauubos ang buong maghapon na hindi makakabenta ng maski isang basong taho ang kanyang kuya.
Hanggang sa pinakawalan ni Tere ang matinis na: "Taho! Taho! Taho...Tahoooieyy!"