“Kung magagawa lang kitang pikutin, siguro ginawa ko na ten years ago.”
Isa si Midnight sa mga nilalang na untouched by death. Malakas. Makapangyarihan. Imortal. Pero parang nawalan siya ng buhay nang tumalikod si Fragrance—ang lifemate niya—sa kanilang engagement. He waited for her to change her mind and come back to him after ten long years. Pero matigas talaga si Fragrance. Mukhang mas lamang ang galit nito sa kanya kaysa sa pagmamahal.
Bilang kabayaran sa kasalanang ginawa ten years ago, Midnight starved himself to death. Magiging sapat na ba iyon para bumalik sa kanya si Fragrance? O lalo lang niyong itutulak palayo ang nag-iisang babaeng minahal niya his whole untouched-by-death existence?