TITLE: How To Mend A Broken Heart
AUTHOR: Tracy Heaven (Akned Mars)
BOOK CODE: PHR06333
PAGES: 512
CATCHLINE: She’s like a fresh cup of coffee in the morning, nakakagising at hindi nakakasawa.
Rachel left me without a word. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Kung ano ba ang nagawa ko at kung ano ba talaga kami.
O baka wala naman talagang “kami.”
Because all we had was a whirlwind romance. Ni hindi pa nga umabot sa araw ng Linggo para mabuo ang kantang, “Isang Linggong Pag-ibig”
Pero sigurado naman ako noong mga panahon na iyon, wala na akong ibang mamahalin pagkatapos ni Rachel.
Seven years after, bumalik siya nang wala uling sabi-sabi. Ipipilit ko ba talaga ang “kami” kahit pa hindi naman ako ang dahilan kung bakit siya bumalik?