“Siguro nga nagbago ako kasi imposibleng hindi… Mas minahal lang kita. `Yon lang ang nagbago pero nandito pa rin ako.”
Pagkalipas ng limang taon, bumalik si Jaxvien sa buhay namin ni Jiara sa dalawang kadahilanan.
First, he needed to make sure that Jiara would be safe from Quertige.
Isang bagong guild ang Quertige mula sa kalapit-bansa ng Kassanight. At ang misyon nito, sakupin ang lahat ng mga guild ng bawat bansa. Lalong-lalo na ang Zedvage.
Kaya naging daan iyon para muling buksan ni Jax ang guild namin. And setting aside the differences, Zedvage would finally fight together as a whole. Para matapos na ang pagdanak ng dugo. Para hindi na magpatuloy pa ang mga patayan. At para maprotektahan namin si Jiara.
Dahil ang ikalawang dahilan ng pagbabalik ni Jax, he wanted us to be together again to become a one happy family.